top of page

Soon to Rise: Smile Residences

Inilunsad ang Smile Residences Kick-off para sa pangarap nating pabahay para sa Taytay katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Pag-IBIG Fund, at Tanggapan ni Konsehal Elaine "Boknay" Leonardo.


Nagsagawa ng site visit at inspection sa lugar si Mayor Allan De Leon kasama si DHSUD Assistant Secretary for Regional Operations, Asec. Daryll Bryan Villanueva, DHSUD CALABARZON Dir. Jean Paul C. Ilao, mga miyembro ng ika-12 Sangguniang Bayan at Engineering Department sa pangunguna ni Engr. Rodel Gatapia.

Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas maginhawa at maayos na buhay para sa mga pamilyang Taytayeño. Sa pamamagitan nito, masisiguro ang pagkakaroon ng dekalidad at abot-kayang pabahay na magsisilbing bagong tahanan at bagong pag-asa para sa ating mga kabababayan. Ang Smile Residences ay magdadala ng mas magaan na pamumuhay, pagkakaroon ng maayos na pasilidad, at pag-unlad para sa bawat pamilya.



Bagong Bahay, Bagong Pag-asa para sa pamilyang Taytayeño.


Tara na! Let's Smile Taytay!

Comments


header-website.jpg
bottom of page