top of page

Social Pulse Philippines: Top Performing Mayors in Rizal

Base sa isinagawang survey ng Social Pulse Survey: Pulso ng Bayan, nasa ika-apat na puwesto si Mayor Allan De Leon sa mga Top Performing Mayors sa Lalawigan ng Rizal. Nagkamit ang ating Punong-Bayan ng 93.1 % na rating batay sa datos na nakolekta mula sa 2,000 adult respondents.



Ang survey na isinagawa ay may margin of error na ±3% at may 95% na level of confidence. Ipinapakita nito ang mataas na antas ng kasiyahan ng publiko sa pamumuno ng kanilang mga lokal na pinuno. Ang Pulso ng Bayan ay isang malaya at komprehensibong survey initiative na sumusukat sa saloobin ng publiko sa iba't ibang plataporma.


Ang antas na ito ay indikasyon ng mataas na kumpiyansa at kasiyahan ng ating mga kababayan sa serbisyong may ngiti na inihahatid ni Mayor Allan sa kanyang unang termino pa lamang.


Mula sa Pamahalaang Bayan ng Taytay, isang malugod at naka-ngiting pagbati sa ating Punong-Bayan, Mayor Allan De Leon sa pagiging tunay na Para sa Diyos, Bayan at Kababayan.

Comments


header-website.jpg
bottom of page