top of page

Road Rerouting Scheme at mga Paghahanda sa Solemn Declaration

Martes, Ika-9 ng Hulyo, taon 2024 mula 5:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Inaabisuhan ang mga motorista na magkakaroon ng rerouting scheme ito ay para magbigay daan sa Solemn Declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist.


Mula Cainta, papunta sa direksyon ng Bagong Palengke at Angono:


  • Papasok ng Isagani street, liliko ng B. Pag-Asa street, kakanan ng J. Asilo street at kakaliwa ng Villanueva street palabas sa may Watsons sa my Kalayaan Park.


Mula sa Direksyon ng Angono papuntang Cainta:


  • Maari pa rin dumaan sa Rizal Ave.


Road Rerouting Sheme


Paalalang muli na bawal pumarada sa Kadalagan street, L.Wood street, at J. Sumulong street simula July 6 hanggang Martes, July 9, 2024 upang bigyan konsiderasyon ang Solemn Declaration ng Minor Basilica and Parish of St John the Baptist.


Ang mga kawani mula sa Smile Traffic Action Group (STAG), Municipal Public Safety Department (MPSD), kasama ang Taytay PNP, ay tulong-tulong na mangangasiwa upang masiguro ang kaayusan at seguridad sa nasabing okasyon.



Mga Paghahanda sa Ating San Juan Gym


Paumanhin po sa mga naabala o nareset o di napagbigyan na mga schedule sa ating San Juan Gym para mas maayos po ang gamit ng lahat at paghahanda din sa Minor Basilica Declaration ng ating St John The Baptist Parish na katabing katabi po ng ating Simbahan.


  • Nagparepaint sa loob at labas,

  • Naglagay ng CR,

  • Inayos at pinalitan ang mga ilaw sa entrance,

  • Naglagay ng 7 Big Fix Exhaust Fans.


Thank You Engineering Team & Gym Admin.


Maraming Salamat po sa inyong pag-unawa. Smile Taytay!


header-website.jpg
bottom of page