top of page

Rizal Province Day Clean-up Drive Activity


Rizal Province Day Clean Up Drive at Tungtong Falls, Barangay Dolores
Courtesy: Taytay PIO

Bilang pakikiisa sa nakaraang selebrasyon ng ika-123 anibersaryo ng pagkakatalaga sa Lalawigan ng Rizal, ang ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, Board member Mr. Fernando "Jun" Cabitac, mga miyembro ng 12th Sangguniang Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, at mga Barangay Officials ay dumalo ginanap na Clean-Up Drives sa mga daluyan ng tubig dito sa ating Bayan nitong nakaraang Hunyo 11, 2024 na ginanap sa Tungtong Falls, Beverly Hills, Barangay Dolores at Sunrise Subdivision, Barangay San Juan.


Sa tulong ng ating mga kawani, nilinis natin ang mga kanal sa Taytay Sunrise Resident Planters Association, Barangay San Juan, na may malaking epekto sa ating mga waterways palabas ng ating Bayan.


Courtesy: Taytay PIO


Nakiisa rin tayo sa Clean-Up Drive Activity sa Tungtong Falls, Beverly Hills, Barangay Dolores kasama ang Rizal Provincial Government upang mas mapaigting ang layunin  na maipagpatuloy ang sigla ng Tungtong Falls.


Ang mga aktibidad na ito ay magkakaroon ng magandang epekto hindi lamang sa panahon ngayon, ngunit pati na rin sa mga susunod na henerasyon.


header-website.jpg
bottom of page