top of page

Rescue Olympics 2024


National Disaster Resilience Month 2024: Rescue Olympics

Bilang pakikiisa sa 36th National Disaster Resilience Month na may temang "Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan", isinagawa ang Smile Taytay Rescue Olympics na pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong Lunes, ika-29 ng Hulyo 2024.


Nagpaligsahan ang mga magigiting na kawani ng BDRRMO ng iba't-ibang barangay sa bayan ng Taytay upang ipakita ang kahusayan at kahandaan pagdating sa mga oras ng pangangailangan.


Mula sa Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon at ika-12 Sangguniang Bayan, isang naka-ngiting pagbati sa mga nagwagi sa nasabing paligsahan! Saludo kami sa inyong kagitingan at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan at mamamayan.



Para sa Diyos, Bayan at Kababayan.


Tara na! Smile Taytay!

Comentarios


header-website.jpg
bottom of page