top of page

PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express


𝗣𝗔𝗪𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼: 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗥𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀
Previous PAWTektado Activity Last May 16, 2024. File Photo Courtesy: Taytay Agriculture Office

Inihahandog ng ating Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pamumuno ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA ang "PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express" na gaganapin sa darating na November 12-14, 2024 mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM.


Narito ang schedule ng naturang bakuna express na gaganapin sa mga piling lugar:

𝗣𝗔𝗪𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼: 𝗧𝗮𝘆𝘁𝗮𝘆 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗥𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀
Courtesy : Taytay Agriculture Office

Ang maaari lamang pong bakunahan ay ang mga sumusunod:


  • Tatlong (3) buwan pataas ang edad.

  • Hindi nakakagat sa nakalipas na dalawang (2) linggo.

  • Walang sakit o gamutan sa nakalipas na dalawang (2) linggo.

  • Lagpas isang (1) taon na mula ng mabakunahan ng anti-rabies.


Paalala:


  • Paliguan muna ang aso bago bakunahan dahil limang (5) araw silang bawal paliguan pagkabakuna.

  • Dalhin ang vaccination record, kung mayroon.

  • Inirerekomenda na kompleto na sa bakuna na 5-in-1 ang mga tuta o asong 1 year old and below.


Ito po ay bukas para sa lahat ng aso at pusang malapit sa mga nabanggit na lugar.


Para sa mga katanungan, maaring tawagan ang ating Taytay Agriculture Office sa numerong 700 144 98 o sa kanilang sulatroniko agriculture@taytayrizal.gov.ph. Maari rin bisitahin ang kanilang Taytay Agriculture Office Facebook Page.



Comments


header-website.jpg
bottom of page