"PAWtektado" Libreng Bakuna Kontra Rabies
Inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pamumuno ng ating Mayor Allan Martine De Leon, MPA, sa pamamagitan ng Pambayang Tanggapan ng Agrikultura ang PAWtektado: Taytay Kontra Rabies Bakuna Express ngayong darating na Biyernes, ika-24 ng Mayo 2024 simula 8:30 AM hanggang 11:00 AM, kung saan nagbibigay ng libreng bakuna kontra rabies.
Ang programang ito ay bukas para sa lahat ng aso at pusang malapit sa Taytay Kalayaan Park.
Ang maaari lamang pong bakunahan ay ang mga sumusunod:
Tatlong (3) buwan pataas ang edad.
Hindi nakakagat sa nakalipas na dalawang (2) linggo.
Walang sakit o gamutan sa nakalipas na dalawang (2) linggo.
Lagpas isang (1) taon na mula ng mabakunahan ng anti-rabies.
Paalala:
Paliguan muna ang aso bago bakunahan dahil limang (5) araw silang bawal paliguan pagkabakuna.
Dalhin ang vaccination record kung mayroon.
Inirerekomenda na kompleto na sa bakuna na 5-in-1 ang mga tuta o asong 1 year old and below.
Ang pag-iwas sa rabies ay ang pinakamahusay na lunas. Rabies-free sa pusa't aso, kaligtasan ng pamilyang Taytayeño.
Para sa mga katanungan, maaring makipagugnayan sa ating Municipal Agriculture Office sa numerong 700 - 144 - 98, o sa agriculture@taytayrizal.gov.ph email account. Maaring rin bisitahin ang kanilang Facebook Page.
Comments