Pamamahagi ng Food Packs sa mga Evacuee

Isang linggo matapos manalasa ang Bagyong Kristine sa iba't - ibang bahagi ng ating bansa kasama ang ating bayan, namigay ng relief goods ang ating pamahalaang bayan nitong nakaraan sa Manuel I. Santos Integrated School sa Barangay San Juan na nagsilbing evacuation center ng mga apektadong mga residente.
Namigay ng mga paunang foodpacks at ibang kagamitan para sa may isang daan at walumpu't walo (188) na pamilya o may kabuuang bilang na walong daan at animnapu't pito na mga indibidwal (867).
Patuloy ang pagbabantay ng bawat opisina sa ating bayan upang matiyak na ligtas ang ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.
Comentários