top of page

National Social Pension Payout


National Social Pension Payout
Coutesy: Taytay PIO

Opisyal nang nagsimula ang pamamahagi ng Social Pension para sa ating mga senior citizens, na mula sa National Government nitong ika - 28 ng Agosto 2024. Ginanap sa ating Taytay Kalayaan Park ang naturang payout mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.


Mayroong libreng sakay para sa mga benepisyaryo ng National Pension. Maaring bisitahin ang post mula sa Taytay Public Information Office kung saan magmumula ang mga sasakyan papunta sa mga payout venue.



Para sa mga seniors na hindi makakapunta, maaari silang mag-authorize ng representante. Narito ang mga kailangan para sa pag-claim ng pensyon kung representante ng senior ang kukuha:


  1. Photocopy ng OSCA ID (Back-to-Back, may 3 pirma o thumbmark): Siguraduhing malinaw ang larawan at nababasa ang detalye dahil kung malabo ay ipapauulit ng paymaster. Tiyakin na tugma ang pirma o thumbmark sa OSCA ID. Kung nahihirapan ang senior magpirma, dapat thumbmark ang nakasaad sa ID.


  2. Government Valid ID ng Representative (Back-to-Back, may 3 pirma)

  3. Authorization Form: Dapat orihinal at may pirma ng OSCA Head/MSWDO. Walang bura at malinaw ang mga pirma.


Maaring ninyong bisitahin ang masterlist kung ang inyong pangngalan ay nakasama sa payout.


Para sa karagadang impormasyon sa naturang payout o katanungan, maaring bisitahin ang Facebook pages ng MSWD Taytay - Official.


Maraming salamat at nawa’y magamit ng maayos ang pensyon na ito para sa kapakinabangan ng ating mga seniors!








Comments


header-website.jpg
bottom of page