National Children's Month Celebration - Mr. and Ms. YES
Sa pakikiisa ng ating bayan sa pagdiriwang ng National Children's Month, matagumpay na isinagawa ang Mr. and Ms. YES, na nilahukan ng mga batang mag-aaral mula sa iba't-ibang Child Development Center sa Bayan ng Taytay.
Ang nasabing selebrasyon ay naging makulay at masaya, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang mga natatanging talento. Bukod pa rito, pinahanga nila ang lahat sa kanilang mga malikhaing costume na yari sa mga recycled materials. Ang mga costume ay hindi lamang nagpapakita ng kanilang pagiging malikhain, kundi nagsisilbing simbolo ng pagpapahalaga sa kalikasan at suporta sa Y.E.S. Program ng ating Pamahalaang Panlalawigan.
Happy National Children's Month!
Tara na! Let's Smile Taytay!
Yorumlar