top of page

ISKOLAR NG TAYTAY PAYOUT

Pinangunahan ng Taytay Youth Development Office ang ginanap na Iskolar ng Taytay Payout sa Manuel I. Santos Integrated School.


Dinaluhan ang nasabing payout ni Mayor Allan De Leon, kasama si TolVice JV Cabitac at iba pang miyembro ng ika-12 Sangguniang Bayan.



Ang programang ito ay hindi lamang nagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga mag-aaral kundi pagkilala rin sa sipag at dedikasyon sa pag-aaral ng mga itinuturing nating pag-asa ng bayan.


Ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang patuloy na suporta at ang isang nakangiting pagbati para sa mga Isko at Iska ng ating bayan!


Padayon para sa mga Kabataang Taytayeño!


Para sa Diyos, Bayan at Kababayan.


Tara na! Smile Taytay!

Comments


header-website.jpg
bottom of page