top of page

Inter-Barangay Basketball and Volleyball League 2024 Opening Ceremony


Inter-Barangay Basketball and Volleyball League 2024
Courtesy: Taytay PIO

Ginanap noong ika - 17 ng Agosto 2024 ang opisyal na pagbubukas ng 1st Smile Taytay Inter-Barangay Basketball and Volleyball League 2024 sa San Juan Gymnasium na pinangunahan ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, kasama ang ika-12 Sangguniang Bayan, Taytay Sports Development Office, at SK Federation of Taytay.


Sa pagdalo ng mga opisyal, mga manlalaro at tagasuporta mula sa iba't ibang barangay, ang kaganapan ay naging isang makulay na selebrasyon ng sportsmanship at pagkakaisa bilang isang bayan.



Ang mga koponan mula sa iba’t ibang barangay ay magtatagisan ng galing sa basketball at volleyball, na inaasahang magdudulot ng mga kapanapanabik na laban sa buong liga.


Ang paligsahang ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Taytay para sa pagpapalakas ng sports development sa ating bayan, at inaasahan na magiging matagumpay ito sa paghubog ng mga atleta na maaaring magbigay ng karangalan sa bayan ng Taytay.

Comments


header-website.jpg
bottom of page