Ika-126 Araw ng Kalayaan
Kahapon, June 12, 2024 ay ipinagdiwang natin ang ika- 126 taon Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Ang pagdiriwang na ito ay komemorasyon at pagaala- ala sa mga Pilipinong nakipag laban at nagsakripisyo upang makamit ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon.
Kasaysayan ang bumubuhay sa atin ng kahalagahan at karapatan na nararanasan ng bawat pamilya at kabataan sa panahong kasalukuyan. Ang kasarinlang ito ang siya rin naging pamamaraan ng bawat mamamayan upang umusad at mapaunlad ang isang bayan.
Kaisa ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, isang pagpupugay at pagpaparangal ang aming iniaalay para sa mga bayani at kapwa Pilipino nagbuwis ng kanilang kapakanan para sa ating bayan, ang Republika ng Pilipinas.
Independence Day Celebration at Taytay Kalayaan Park
Dumalo din ang lahat ng kawani ng pamahalaang bayan ng taytay sa flag raising ceremony na ginanap sa SM City Taytay upang pagbibigay galang sa ating mga ninununong pilipino na nag alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa at sa mga susunod pang henerasyon.
Independence Day Celebration at SM City Taytay
Nakiisa din ang mga Taytayeños sa MUSIKALAYAAN 2024 - Independence Day Free Concert na ginanap sa Taytay Kalayaan Park sa parehong araw. Ito ay programang handog ng ating Hon. Allain Martine S. De Leon na dinaluhan ng mga special guests:
Rizal PNP Band
Angkel Jay
NEXXUS Original
Photo from Public Information Office's Live Broadcast
Happy Independence Day at Mabuhay ang bawat Pilipino!
Comments