ICYMI: Taytay Tiangge Night Market Fashion Show
Ibinida ng ating mga kababayan ang mga kasuotang gawang Taytay sa ginanap na Fashion Show sa Taytay Tiangge nitong Lunes, December 2, 2024, na pinangunahan ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO).
Tampok sa nasabing palabas ang mga produktong talaga namang ibang-klase at maipagmamalaki mula mismo sa ating Tiangge. Ang mga natatanging disenyo at mas pinabuting kalidad ng mga damit na ibinida ay hindi lamang nagpapatunay na ang ating bayan ay ang "Garments Capital", kundi pati na rin ang paghikayat sa mga turista at lokal na tangkilikin ang sariling atin.
Ang proyektong ito ay nagsisilbing tulay upang higit pang mapalakas ang ekonomiya ng Bayan ng Taytay at mas mapalaganap ang mga lokal na produkto, na nagiging simbolo ng dedikasyon at talento ng ating mga kababayan sa industriya ng garments.
Comentários