Feast of San Felipe Neri
Si San Felipe Neri, o kilala bilang "Apostol ng Roma", ay isang pari na naghatid ng kagalakan at pagmamahal ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang kasiyahan, kabutihan, at dedikasyon sa paglilingkod. Siya ay isang halimbawa ng pag-ibig sa kapwa at tunay na kagalakan sa paglilingkod sa Panginoon.
Noong Mayo 24, 2024, ginanap ang pista ng San Felipe Neri bilang pasasalamat at pag-gunita sa mga biyaya ng ating Panginoon sa pamamagitan Niya. Ang pista ay ginanap sa San Felipe Neri Parish, Samagta Floodway, Barangay San Juan na pinangunahan ni Most Rev. Francisco M. De Leon D.D., Obispo mula sa Diocese of Antipolo ang Banal na Misa.
Courtesy: Mayor Allan De Leon and Taytay Public Information Office
Ang pista ay dinaluhan ng mga residente at mga bisita. Dumalo rin si Mayor Allan De Leon, MPA at miyembro ng 12th Sangguniang Bayan ng ating pamahalaang bayan upang makisaya at maghatid ng ngiti sa mga kababayan natin sa lugar sa mga programa na hatid ng ating Pamahalaang Bayan ng Taytay.
Nawa'y mahikayat tayong sundan ang kanyang halimbawa ng pagmamahal at kasiyahan. Sa pamamagitan ng simpleng mga gawa ng kabutihan at malasakit, makakabahagi tayo sa pagpapalaganap ng pagmamahal ng Diyos sa ating mga komunidad.
Comments