Evacuation Assistance - July 24, 2024
- Taytay, Rizal
- Jul 24, 2024
- 1 min read
Evacuation Assistance | July 24, 2024 | 12:00 PM
Sama-sama ang Taytay MDRRMO-Urban Search And Rescue, Taytay Fire Rescue Units, Bureau of Fire at ang mga DRRMO ng bawat Barangay para puntahan ang mga kababayan nating apektado ng baha at madala sa mga Evacuation Centers sa ating bayan.
Prayoridad din po natin mapuntahan ang mga seniors, may mga karamdaman, may mga sanggol at bata gayundin ang mga PWDs natin. Tuloy tuloy din ang pag seserbisyo ng ating mga MDRRMO - Emergency Medical Services para sa mga tawag ng emergency sa ating bayan.
Kasabay nito ang ibang team ng MDRRMO-Urban Search and Rescue ay pinupuntahan ang mga kabahayan o mga kalsadang may mga nabuwal ng mga puno.
Hinihiling po namin sa lahat na makinig sa mga abiso ng ating mga opisyal at kawani ng ating bayan. Kung kinakailangan na po na tayo ay lumikas ay mangyari po lamang na sumunod po tayo agad sa mga kinauukulan.
Para sa bayan ng Taytay, tayong lahat ay magtutulungan!
Ingat po tayong lahat!
Para sa anumang uri ng Emergency maaaring din tumawag sa mga sumusunod na numero:
TAYTAY COMMAND CENTER: (02)82866146 / 09854883352
Sagip Taytay MDRRMO: (02)82866159
Para sa kabuuang listahan ng Emergency Hotlines:
Commenti