top of page

Command Center - MDRRMO Ambulance Services


Courtesy: Taytay Command Center - MDRRMO

Paano nga ba pag emergency at kailangan mo ng tulong ng ambulansya? Paano kung kailangan mo lumipat ng ospital? At ano-ano nga ba ang standard procedures na sinusunod ng ating kasamahan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) - Emergency Medical Service Team?


Alamin kung anu - ano ang mga tamang proseso na sinusunod, depende sa pangangailangan ng ating mga kababayan:


  1. Para sa Hospital-to-Hospital Transport:

Procedure for Ambulance Services: Hospital to Hospital Transport
Courtesy: Taytay Command Center - MDRRMO

2. Para sa Out-Patient to Hospital Transport

Procedure for Ambulance Services: Out-Patient to Hospital Transport. Standard Procedure: 1) Ang Pasyente ay kailangan makipag-coordinate sa MDRRMO hinggil sa ospital na napili nila. 2) Pag tapos ma coordinate sa MDRRMO, ay maari nang dalhin ng ating ambulansya ang pasyente.
Courtesy: Taytay Command Center - MDRRMO

3. Para sa Medical / Accidents to Hospital Transport

Procedure for Ambulance Services: Medical / Accidents to Hospital Transport. Standard Procedure: 1) And Ambulance/EMS Team and mag a-advance call sa pinakamalapit na ospital na may sapat na kakayahan bigyan ng lunas ang sitwasyon (depende sa sakit, o emergency situation ng pasyente).
Courtesy: Taytay Command Center - MDRRMO

4. Para sa Sent Home Ambulance Transport

Procedure for Ambulance Services: Sent Home AmbulanceTransport. Standard Procedure: 1) Ang Pasyente ay maaring mag-avail ng ganitong serbisyo kung sya ay isang LEHITIMONG taga-Taytay. (Ipakita lamang ang valid ID ng pasyente kung saan nakasaad and kanyang address sa Tayatay). 2) Letter of Request (kung sa labas ng Metro Manila/Rizal) na ipapasa sa Office of the Municipal Mayor. 3) Pag na aprubahan na, ang MDRRMO ay mag po-proseso ng travel order (kung sa labas ng Metro Manila/Rizal) na pipirmahan ng Municipal Admin. 4) And Ambulance/EMS ay maari ng sumundo sa ating pasyenteng Taytayeño.
Courtesy: Taytay Command Center - MDRRMO

Kung nangangailangan ng AGARANG ATENSYONG MEDIKAL mangyaring tumawag sa ating Taytay Command Center: (02) 8286-6146 / +63 985-488-3352


Asahan niyo po ang patuloy na pagseserbisyong may ngiti ng ating mga kawani sa inyong mga kailangang medikal.


Kahit saan, kahit kailan, Taytayeño, kalusugan at kaligtasan mo ang prayoridad dito!


Comments


header-website.jpg
bottom of page