Clearing Operations sa mga Lugar na Apektado ng Bagyong Kristine
Matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine sa iba't - ibang bahagi ng bansa kabilang sa ating bayan, agad na sinumulan ng mga kawani mula sa Engineering Department ng ating Pamahalaang Bayan ang cleaning operations sa mga apektadong lugar.
Sabay-sabay nang nililinis ang mga ilog at daluyan ng tubig, pati na rin ang mga kalsadang naapektuhan ng bagyo sa mga lugar na may mga lablab at putik.
Isang mahalagang hakbang ito para sa pag-aayos at pag-recover ng ating komunidad.
Comments