top of page

Banda Dos 119th Anniversary Concert


Banda Dos 119th Anniversary Concert
Courtesy: Taytay Public Information Office

Ipinagdiwang ng Banda Dos Taytay ang kanilang ika -119th na anibersaryo sa isang natatanging konsyerto noong Oktubre 5, 2024 na ginanap sa San Juan Gynmasium. Dinaluhan ito nina Mayor Allan Martine De Leon, MPA, mga miyembro ng ika-12 Sangguniang Bayan, Taytay Tourism Office, at mga masugid na tagasuporta ng banda.


Mula nang ito'y itinatag bilang "Banda Makapari" noong 1905, ang Banda Dos ay naging pundasyon ng sining at musika dito sa ating bayan. Sa ilalim ng pamumuno ni Maestro Celedonio Medina, nagbigay sila ng mga oportunidad para sa mga batang musikero at nagpakilala ng mga bagong instrumento, na tinulungan ni Padre Valentin Tanyag.



Event Proper of the Anniversary Concert.

Courtesy: Taytay Public Information Office


Maraming mahuhusay na maestro ang nagpatuloy sa pamumuno ng banda, at sa ilalim ng kanilang pangangalaga, nakamit ng Banda Dos ang tagumpay sa iba't ibang kompetisyon sa buong bansa, kabilang ang pagiging Pambansang Kampeon sa "The First National Band Contest" noong 1958 sa Luneta, Manila.


Matapos ang pagpanaw ni Prof. Felix De Leon noong 1960, ang mga susunod na maestro tulad nina Alfredo Villanueva Sr. at Master Sgt. Vicente Bernardino, Jr. ang nagpatuloy ng tradisyon ng tagumpay. Muli silang naging Pambansang Kampeon noong 1980 sa "Balik-Banda," na itinaguyod ng San Miguel Corporation.



Event Proper of the Anniversary Concert.

Courtesy: Taytay Public Information Office


Sa kasalukuyan, ang Banda Dos Taytay ay patuloy na nagsisikap na iangat ang tradisyon ng banda sa ilalim ng pamumuno nina Arcruvel Velasco at Maestro Nepthalie Villanueva, kasabay ng suporta ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan ng Taytay. Ang Banda Dos ay nananatiling mahalagang bahagi ng kultura ng musika sa bayan ng Taytay, Rizal.


Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta! Patuloy nating ipagmalaki ang ating kultura at sining!

Comments


header-website.jpg
bottom of page