top of page

2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)


2nd Quarter: Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Courtesy: Taytay Command Center - MDRRMO

Ngayon darating na ika-28 ng Hunyo 2024 sa ganap na 2:00 PM, inaanyayahan ang lahat na makilahok sa gaganaping 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin sa Taytay Municipal Hall.


Pangungunahan ito ng ating Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (TMDRRMO), kasama ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Sagip Taytay Fire Rescue Unit, Municipal Public Safety Office (MPSO), at Smile Traffic Action Group (STAG).


Layunin ng drill na ito ay matutunan ang mga dapat gawin sa paghahanda para sa dadating na lindol at ating pagkakataong magsanay kung paano protektahan ang ating sarili sa panahon ng lindol. Ang "Drop, Cover, and Hold" ay isa sa mga naaangkop na aksyon upang mabawasan ang pinsala sa panahon ng lindol at marami pang iba.


Mabuti na ang handa! Pamayanang Handa, Katuwang sa Pag-unlad ng Bansa.

Kommentare


header-website.jpg
bottom of page