2024 Seal of Good Local Governance Validation
Kahit pabugso-bugso ang ulan dulot ng Bagyong Enteng, sumailalim ang ating Lokal na Pamahalaan ng Taytay sa Department of Interior and Local Governance (DILG) Seal of Good Local Governance Validation na ginanap noong ika - 3 ng Septyembre 2024.
Sa pangunguna ni Mayor Allan Martine De Leon, MPA, inilahad ng iba't-ibang mga departamento ang mga dokumento sa validation kung saan ay sinuri ng mabuti ang mga focus indicators ng DILG. Ang ilan sa mga focus indicators ay Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity Programs, Health and Responsiveness, Programs for Sustainable Education, Business-Friendliness and Competitiveness, Environmental Management, at iba pa.
Ang Seal of Good Local Governance Validation ay isang oportunidad upang maipamalas natin ang Serbisyong May Ngiti na patuloy natin ihahatid hindi lamang para sa mga kababayan natin, para rin sa lahat ng bibisita sa ating Bayan.
Tuloy-tuloy lang tayo para sa Bayan na Nakangiti at Pinagpala - Handa, Ligtas at Payapa.
Comments