top of page

124th Civil Service Anniversary Tree Planting Activity


Tree Planting Activity at San Miguel Compound,
Courtesy: Taytay Public Information Office

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng Philippine Civil Service na pinangunahan ng Human Resource Management Office, kasama ang mga opisina ng Municipal Agriculture at Municipal Environment and Natural Resources, isinagawa ang Tree Planting Activity na ginanap noong Setyembre 19, 2024 sa San Miguel Compound, Barangay San Juan.


Nilalayon ng aktibidad ba ito ang itaguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pagtatanim ng mga puno bilang bahagi ng responsibilidad ng mga civil servants. Nakilahok din sa nasabing aktibidad ang ilang kawani mula sa Laguna Lake Development Authority (LLDA), pati na rin ang mga regular na empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Taytay.


Courtesy: Taytay PIO & MENRO Taytay, Rizal


Ang mga dumalo ay masiglang nagtulungan sa pagtatanim ng mga puno, na umaasa na makapag-aambag ito sa pagpapanatili at pagpapaganda ng ating kapaligiran. Sa ganitong paraan, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang ating serbisyo publiko, kundi nakatutulong din tayo sa pagbuo ng mas maaliwalas at mas masayang komunidad.


Para sa Diyos, bayan at kababayan.


Tara na! Smile Taytay!


Bình luận


header-website.jpg
bottom of page